Kadyot Lang
(Unang Sultada)
Alam ba ninyong isang bug mula sa ahensiya ng pamahalaan na may link sa pagtatanim ang unti unti ang sumisira at kasalukuyang nanginginain sa mga pundasyon ng kaharian?
Sino ba ito? Ang kaniyang pangalan ay pweding i-ugyan sa malakas na pwersa ng dayuhang mananakop na nagpahirap at lumapastangan sa dangal ng mga kababaihan na ngayon ay kabilang sa hanay ng mga "Malaya Lolas" mula sa isang bayan sa kaharian.
OO, mukha yatang nagmula ito sa imperyong pinagmulan ni Yamashita.
Napabalita nga pala noon isang buwan sa mga lokal pahayagan na may namataang grupo ng mga 'rice black bugs' o itim na atanya sa tagalog na nanalanta sa may 30 hektarya ng palayan sa bayan ng Arayat at Magalang.
Ang masaklap, ayon sa mga experto pweding umabot sa 85 na porsiyentong pananim ang maaaring mawala kapag ang bug na ito ay sumalakay sa tanim na palay. Ibig sabihin kung umaani ka ng may 100 kaban, ay 15 kaban na lamang ang matitira para sa iyong pamilya. Ang lupit naman ng bug na ito!
Pero ang bug na tinutukoy ko ay mas malupit kaysa 'itim na atangya,' sa katunayan utot pa lamang nito ay kaya ng simira ng ginto. Ang weird naman, walang sinabi ang ginto sa utot? Ibig bang sabihin niyayanig ang utot ang ginto?
Kung ganun, ang bug palang ito ay mahilig umutot. Hulaan ko siguro mahilig din siyang kumain ng kamote kaya siya pala utot. Gets mo? Gets nyo? Ano ha!
Wala siyang keme kesohodang matapakan niya ang karapatan ng iba, basta maibenta lamang niya ang kanyang sarili kahit na siraan pa niya ang mga ito.
Grabe naman yan. Grabe talaga kung tutuusin inabot na niya ang pinaka tore ng kaniyang karera pero sa nakikita natin ay pati yata janitor sa kaharian ay gusto niyang agawan ng pwesto.
Gusto nyo more clues? Sige heto. All knowing siya, jack of all trades ika nga. Matalino? Siya na lamang ang inyong tanungin baka sumobra pa ang aking kadaldalan.
Ang alam ko lamang ay pwedi siya kahit saan. Hindi nga? Ang galing naman nya. Oo magaling talaga siya . . . . magaling siyang magpanggap na magaling.
Ang ibig bang sabihin ng jack of all trades ay pwedi kahit saan? Ang kulit mo talaga. Sinabi kuna nga, inulit mo pa. Kadyutin kaya kita.
Kung minsan ay social worker siya, minsan naman agriculturist, veterinarian, planning officer, tourism guru, investment consultant, writer, photographer, videographer, security guard, traffic enforcer pati nga ang 'pagtsutsutsu' pinasok na rin niya.
Ang dami naman ng kaya niyang gawin. Eh ano ba talaga ang pwesto niya? Edi con-sul-sol sa kaharian.
Warning! Hindi malayong pati prinsipe ay agawan ng trono at magising na lamang minsan na wala na siyang upuan. Sayang si Mr. Atapang a tao kung isang bug lamang ang magpapataob sa kaniya.
Tignan muna lang nang minsang may dumating na panauhin ang reyna, kung umasta parang siya ang prinsipe habang nagpapalapad ng papel sa harap ng reyna. Hmmmm . . . .
Masyadong mahiwaga ang bug na yan. Sumobra na rin yata ang aking kadaldalan Hindi pwedi! Labag na ito sa prinsipyong aking sinusunod.
Sino ba talaga ang bug na ito? Sige another clue, may connect ang pangalan niya sa kasangkapan de kuryente. Kuha na?
Baboose na muna. Marami pa akong ibubuking sa susunod.
Baboose na muna. Marami pa akong ibubuking sa susunod.
ABANGAN ANG IKALAWANG SULTADA!
No comments:
Post a Comment