Joselito Zapanta. |
Matatandaang ibinaba na sa 44
milyong piso ang hinihinging blood money
kasunod ng pagsuspinde sa pagpapatupad ng hatol na kamatayan kay Zapanta sa
loob ng apat na buwan.
Ihinihayag ni PML president and
Candaba Mayor Jerry Pelayo na nagkakaisa ang mga kapampangan upang maisalba ang
buhay ni zapanta.
Binigyang diin pa ni Pelayo na
gagawin nilang lahat ang kanilang makakaya upang matulungan ang kababayang
nahaharap sa malaking pagsubok sampu ng kaniyang pamilya.
Samantala, iminungkahi naman ni
Apalit Mayor Jun Tetangco na isangkot sa fund raising activity ang lahat ng
empleyado sa bawat munisipyo na nagkikisimpatya sa sinapit ni Zapanta sa
bansang Saudi.
Naniniwala si Tetangco na malaki
umano ang posibilidad na makalikom ng malaking halaga ng pera kung ang lahat ng
mga Kapampangan na magkakaisa para kay
Zapanta.
Kamakailan naman ay binisita ni Governor Pineda ang ama at ang
dalawang anak ni Zapanta sa bahay nito
sa bayan ng Bacolor upang personal na tignan ang kanilang kalagayan.
Binigyan ng pampahalaang
panlalawigan ng scholarship grant ang dalawang anak ni Zapanta hanggang sa
makatapos ang mga ito ng kolehiyo habang ang kanyang ama ay binigyan ng trabaho
bilang driver upang matustusan ang kanilang pang araw araw na pangangailangan.
No comments:
Post a Comment