Mga taga-kuwatro distrito, magtapatan nga tayo. Mahal niyo ba si Governor Lilia Nanay Pineda? Kung mahal ninyo ang nanay ng probinsiya, susundin niyo ba ang pakiusap niya sa inyo na mga tagadistrito? Nais ng ating gobernadora na maiangat ang distrito mula sa pinakamahirap na kalagayan kung ikukumpara sa tatlo pang distrito ng Pampanga.
Hindi natin mapasusubalian ang katotohanan na hindi kayang mag-isa ng gobernadora sa pagtugon sa maraming pangangailangan ng distrito. Kailangan niya ang kaantabay, ang kaagapay, ang katuwang para maiangat ang kabuhayan at kalagayan ng Kuwatro distrito.
Gusto ng gobernadora na ang susunod na kinatawan ng kuwatro distrito ay nakakaunawa at umaaksyon sa mga napapanahon at matagal ng problema ng distrito. Mahigit dalawang dekada na ang nakakaraan ay hindi pa nareresolba ang problema sa kabuhayan, sa pagbaha, sa edukasyon, sa kalusugan at marami pang iba na kinakailangan ng pag-aksyon sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas sa kongreso na tutugon sa mga naturang suliranni ng distrito.
Didiretsuhin ko na kayo, ipinapakiusap ng gobernadora sa mga tagadistrito na ihalal si Candaba Mayor Jerry Pelayo sa pagkakongresista ng kuwatro distrito. Kayo ang magpapasya. Kayo ang hahatol. Ang puso ninyo ang magsasalita kung pagbibigyan ninyo ang kahilingan ng Nanay ng Pampanga.
Nais kasi ni Nanay na ang susunod na kinatawan sa Kongreso ng kuwatro distrito ay kaya niyang tawagan kahit anong oras. Kaya niyang pakiusapan at sila ay nagkakaunawaan lalo na sa panahong may kalamidad, may baha sa distrito at iginuguhit at ipinapatupad na ang mga planong pangkaunlaran. Gusto niya na may malasakit ang kongresista sa mga mahihirap na pamilya na nangangailangan ng mahalagang tulong hindi lang sa panahon ng halalan.
Noong nakaraang pagbaha sa distrito, sino ang nautusan ng gobernadora na lumingon at sumagip ng buhay sa Sto. Tomas, sa Minalin, sa Apalit, sa San Luis, sa Macabebe, sa Masantol, sa San Simon gamit ang kanilang sariling kagamitang pangrescue sa mga naistranded at apektado ng pagbaha. Hindi ba’t si Mayor Jerry Pelayo kasama si dating Mayor Dennis Pineda na anak ni Nanay Gob na tumatakbo ngayong bise gobernador.
Sa panahon ng kalamidad at sa lahat ng pagkakataon, si Jerry Pelayo ay katuwang ninyo para sagipin kayo sa gipit na kalagayan at iyan ay nasubukan na ninyo.
Ngayon ba na si Pelayo ay nangangailangan ng inyong mahalagang pagpapasya na ipinapakiusap naman ng ating gobernadora ay tatalikuran natin sila. Hindi ba tayo susunod sa pakiusap ng gobernador na tulungan nating maihalal sa pagkakongresista si Jerry Pelayo.
Kung mahal ninyo si Nanay Gob, kung mahal ninyo ang distrito, sumubok naman tayo ng bago. Bayu naman! Si Jerry Pelayo naman ang ating iboto.
Kung sa loob ng tatlong taon ay natulog sa pansitan at hindi nagtrabaho si Jerry Pelayo sa kongreso at sa distrito, ibalik natin ang pamilyang inihalal natin sa loob ng mahigit dalawampu’t limang taon.
Try niyo lang, baka si Jerry Pelayo lang ang hinihintay sa matagal na panahon ng distrito patungo sa tunay na pag-asenso.
Sumubok muna tayo ng iba, subukan muna natin ang anak ng Candaba.
Alam naman natin na sa loob ng dalawang dekada, ganito pa rin, ganyan pa rin ang kalagayan ng mga Kapampangan sa kuwatro distrito. Mahirap pa rin at umaasa pa rin ng pagbabago.
Ngayon na ang panahon ng pagbabago, iboto natin si Jerry Pelayo para mapagtulungan ng kapitolyo, ng kongreso at ng distrito ang katuparan ng hinaha ngad nating pag-asenso.
Kay Jerry Pelayo, may asenso ang distrito. Paniniwala ng iyan ng gobernadora, paniwalaan din sana at isama natin sa ating pagpapasya. Markahan nating sa ating mga balota
Jerry Pelayo, ang John Loyd ng Candaba, tiyak na ang panalo kung ang boto mo ay nasa kanya na.
Nanay Gob, gusto namin, happy ka. Jerry Pelayo na ang aming pasya.
Jerry Pelayo, pambato ni Nanay Gob sa Kongreso.

No comments:
Post a Comment