Sa punalat ni Angelo Blanco
Sa Hulyo a uno. Ganap
na iiwanan ni Joseller ‘Yeng’ Guiao ang Sangguniang Panlalawigan. Bakit saan
siya pupunta? Una, tapos na ang kanyang termino. Pangalawa, uupo at manunumpa
na siya bilang halal na kinatawan ng Unang Distrito. Ne po? Siya ang magdadala
ng pagbabago sa unang distrito at mag-aambag ng mga panukalang batas sa
kongreso. Ne po? Oo, nga ano? Wow!!! Ang galing naman ni Yeng Guiao.
Iiwanan ni Yeng Guiao
ang kanyang legasiya bilang naging board member at bise-gobernador sa loob ng
tatlong termino. Mag-iiwan si Yeng Guiao ng isang makulay na kasaysayan sa
paghubog ng mga ordinansa at resolusyon na nagsulong sa mga programang
pangkaunlaran ng lalawigan at paglaban sa katiwalian kahit sinoman o gaano man
kalaki ang tamaan.
Lubhang napakalaki ng
mga naiambag ni Yeng Guiao sa pagsulong ng lalawigan. Una, naging krusada ni
Yeng Guiao ang paglaban sa katiwalian sa panahon ng panunungkulan ng mag-amang
Lapid sa pamahalaang panlalawigan.
Kung ating natatandaan ang programang
computerization noon sa panahon ng nakaraang Lapid administrasyon. Animo’y
isang tigreng umuungal na nagpuyos ang damdamin ni Yeng Guiao sa nabigong P50-million
Provincial Geographic Information
Service (PGIS) — isang proyekto sa
ilalim ng build-operate-transfer (BOT) na kinontrata ng pamahalaang
panlalawigan sa panahon ng dating Governor Mark Lapid.
Isinisigaw ni Yeng Guiao na hindi nag-operate ang Geodata at hindi ito pinakinabangan kailanman simula nang ito ay lumitaw sa unang mga buwan ng 2005 matapos pagtibayin ng provincial bids and awards committee ang kanilang ‘unsolicited propoasal’.
Isinisigaw ni Yeng Guiao na hindi nag-operate ang Geodata at hindi ito pinakinabangan kailanman simula nang ito ay lumitaw sa unang mga buwan ng 2005 matapos pagtibayin ng provincial bids and awards committee ang kanilang ‘unsolicited propoasal’.
“I made sure that the board would be aware that the
whole project was detrimental to the provincial government. But I was outvoted
during the discussions then. True enough, so many years have passed and after
paying the amount of P49 million of the P50-million contract, not a bit of
return to the provincial government could be seen,” ito ang ilan sa mga
matapang na pahayag noon ni Yeng Guiao.
Ang masama nito ani Yeng Guiao, ang mga taong
nag-endorso sa proyekto ay nanahimik at hindi nakasagot sa mga tanong kung
bakit nagbayad ng P49-million sa Geodata ang kapitolio samantalang sinasabi sa
kontrata na ito ay dapat na ‘progress billing’. Ibig sabihin sa bawat pagtatapos
na bahagi ng proyekto lamang ang pagbabayad o ‘each phase of the project’.
Subalit ani Yeng Guiao sa lahat ng ‘delivery and collection’ ay wala aniya siyang nakitang anumang bakas ng isang operational na PGIS sa kapitolio.
Subalit ani Yeng Guiao sa lahat ng ‘delivery and collection’ ay wala aniya siyang nakitang anumang bakas ng isang operational na PGIS sa kapitolio.
Kaya naghain noon ng kaso si Yeng Guiao sa Ombudsman
laban sa Geodata at sa mga opisyales ng kapitolyo na may kinalaman sa kaso.
Alam mo, Angelo, napakapalad ng unang distrito, si
Joseller “Yeng” Guiao ang kanilang magiging kinatawan sa kongreso. Matapang,
matalino at may puso para sa tao at sa gobyerno.
Si Yeng Guiao, isang tahimik at seryosong tagapaglingkod
dahil ganoon ang kanyang nakaugalian o karakter na kadalasan ay nabibigyan ng
hindi magandang pakahulugan ng mga hindi talagang nakakakilala sa kanya. Pero
kung ating aalamin kung sino si Yeng Guiao, ikaw ay mapapawow dahil sa mahusay
magdala ng pamilya, ng kanyang laban sa PBA at sa tunay na buhay.
Sa kaibuturan ng puso ni Yeng Guiao naroon ang hindi
maitatagong pagmamahal sa kapwa at sa bayan, pagmamalasakit para sa
kaunlaran
ng mga Kapampangan at tapang laban sa masama at katiwalian. Kaya nga,
ang tawag kay Yeng Guiao ay "Mr. Consistent. Matatag ang paninindigan
mula noon hanggang ngayon pati na sa mga darating pang panahon.
Si Yeng Guiao ay may pangarap para sa kinabukasan.
May mga nakahandang pamamaraan para makamit ang mga pangarap para sa lalawigan
at sa distrito na kanyang pangungunahan sa mababang kapulungan ng kongreso.
Si Yeng Guiao ang pamana at legasiya ng Pampanga
para sa unang distrito. Kaya, uulitin ko, sulit ang boto mo kay Yeng Guiao, wow
na wow!
Sa susunod na pitak, gagawin natin ang
pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang katiwalian sa industriya ng buhangin sa
ilalim ng administrasyong Lapid.
No comments:
Post a Comment