#htmlcaption1 Go UP! Pure Javascript. No jQuery. No flash. #htmlcaption2 Stay Connected

Public Employment Service Office ng Lubao kinalala bilang pinakamagaling sa Region 3


Isa nanamang pagkilala sa larangan ng employment ang natanggap ng probinsiya matapos rin hiranging Best Public Employment Service Office o PESO ang bayan ng Lubao.

Ang Lubao-PESO na pinamumunuan ni Cecilia Bernal ay nanalo sa 1st-2nd class municipality category at tinanghal na pinakamagaling sa buong Central Luzon.

Ayon kay Luningning Vergara, Provincial PESO manager, Lubao ang may pinakamaraming naipadalang manggagawa sa Korea sa lahat ng bayan sa buong bansa.

Bukod pa rito ang mga local employment na naibahagi ng Lubao PESO kaya’t hindi na raw nakakapagtaka na nanalo na ngayong taon ang nasabing bayan.

Dagdag pa ni Vergara, Lubao ang kaunaunahang bayan sa Pampanga na nagkaroon ng Barangay PESO coordinators na sinimulan noong alkalde pa ng bayan si Governor Lilia Pineda.

Aniya, napakahalaga na buo ang suporta ng local chief executive ng lugar, mula pa sa panahon ng gobernadora, hanggang kina Mayor Dennis Pineda at Mayor Mylyn Cayabyab, kaya’t napanatili ang mga magagandang programa sa employment.

Sinimulan na rin ng Administrasyong Pineda ang pagkakaroon ng barangay PESO coordinators sa buong lalawigan. Ito ay sa pagnanais ng gobernadora na lalong mapaunlad ang pagbibigay ng trabaho sa mga Kapampangan. (PIO Pampanga)

No comments:

Post a Comment