Unang-una,  ako po ay nagpapasalamat sa ibinigay ninyong pagkakataon na makilala ko kayo at makilala din naman ninyo ako.  Sumulat po ako sa inyo upang hingin ang inyong suporta sa darating na eleksyon.

Ano po ba ang dahilan at si Mayor Pelayo ay gumitna at tumakbong Congressman?  Unang-una, gusto ko pong ilaganap sa cuatro distrito natin ang aking mga nagawa sa Candaba na siyang naging first class municipality at kung saan nabigyan ng solusyon ang maraming problema ng mga kababayan ko.

Hindi lamang po posisyon ang hangad ko kundi malakas na suporta mula sa itaas upang epektibong makapaglingkod sa inyo.  Sa loob ng isang taong paglilibot ko sa buong cuatro distrito nakita ko ang problema.  

Sa loob ng 27 taon hindi pa po talaga natutumbok at nabibigyan ng solusyon ang mga suliranin ng mga mamamayan sa distrito lalong-lalo na ang sa baha, kabuhayan at edukasyon ng mga kabataan.  Napakaraming naghihiwalay sa mga pamilya dulot ng kahirapan.

Iyan po ang gusto kong bigyan ng importansya sa ating pagsasama-sama pati ng inyong mga mayor upang gumawa ng mga solusyon na kasama ninyo ako.  Naging mayor po ako sa loob ng 9 na taon kaya alam ko po ang mga problema ninyo hanggang sa ibaba.  Kayo na po ang humatol sa akin kung karapat-dapat po akong makasama ninyo sa pagpapatupad sa ating mga pangarap.

Diretso pong aabot sa inyo ang gobyerno at kasama ninyo akong gagawa sa ating programa upang unti-unting mabigyan ng direksyon ang pagpapatupad sa mga pangarap nating lahat.

Kayo na po sana ang bahala.  Matapos po sana itong eleksyon na ito na matahimik, walang nag-aaway-away at magkakasundo-sundo tayo dahil pagkatapos nito tayo rin ang magkakasama-sama.  Para sa inyo po ang laban na ito.  Subukan po ninyo ako.  Bago naman!  Marami pong salamat.

                                                                                                          Signed
                                                                                                   JERRY PELAYO
                                                                                                          Mayor

No. 2 Congressman Jerry Pelayo