#htmlcaption1 Go UP! Pure Javascript. No jQuery. No flash. #htmlcaption2 Stay Connected

Pampanga magpapadala ng ataul sa mga biktima ng Bagyong Pablo

Limang daang kabaong o ataul ang nakatakdang ipadala ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga biktima ng Bagyong Pablo sa bahagi ng Mindanao kung saan maraming buhay ang nawala ang milyong milyong piso ng ari arian ang nasayang.

Ito ang napagkasunduan ng mga opisyal sa lalawigan kasama na ng mga alkalde matapos pumutok ang balita na daang daang katao na ang kumpirmadong patay sa hagupit ni Bagyong Pablo. 

Agad namang ipinag utos ni Governor Lilia Pineda ang pagbili sa mga naturang ataul para sa madaliang shipment nito. 

Ayon kay Pineda, nakikiisa at nakikidalamhati ang mga kapampangan sa mga naulilang pamilya at siniguradong handa ang kapitolyo ng Pampanga para magbigay pa ng karagdagang tulong sakaling kailangan ito ninuman. 

Kaugnay nito, inatasan ni Governor Pineda ang presidente ng Pampanga Mayors' League na si Mayor Jerry Pelayo na makipag ugnayan sa mga kinauukulang agensiya ng pamahalaan upang mabilis na maibyahe ang mga ataul papunta sa bahagi ng mindanao. 

Samantala, kasalukuyang ginugunita ng mga kapampangan ang 441st founding anniversary lalawigan ng pampanga na nagsimula noong December 5 at matatapos sa darating na December 11 . 

Tampok sa pagdiriwang ang "Pamamupol Festival" kung saang nagpaligsahan ibat ibang festivals na isinasagawa sa bawat bayan. 

Nagkaroon din ng livelihood forum para sa mga OFW spouses, mutya ning Kapampangan o beauty pageant, agro industrial trade fair, job fair at ang awarding ng most outstanding Kapampangan na nagtagumpay sa kanya kanyang larangan na gaganapin sa huling araw ng pagdiriwang.

(News aired at   DZEC - 1062, Radyo Agila)

No comments:

Post a Comment