Ito ay matapos isagawa sa Bren Z. Guiao Convention Center ang isang Peace and Order Symposium para sa darating na halalan sa 2013 na dinaluhan naman ng mga opisyales ng barangay sa lalawigan.
Ayon kay Pangilinan, magsisimula ang election period sa ika labing tatlo ng Enero at magtatapos sa ika-labing dalawa ng Hunyo sa 2013. Ito ay dahil kabilang parin daw sa election period ang isang buwan matapos ang mismong halalan, na gaganapin naman sa ika labing tatlo ng Mayo.
Samantala, sa ika-labing dalawa ng Pebrero naman magsisimula ang opisyal na campaign period para sa mga national positions habang sa ika-dalawampu’t siyam ng Marso naman ang para sa mga lokal na posisyon.
Paglilinaw pa ni Pangilinan, bagaman marami na sa mga tatakbo sa susunod na halalan ang naglalagay ng mga streamers o nagpapalabas ng patalastas sa telebisyon at radyo, hindi pa raw ito tinuturing na premature campaigning kahit na hindi pa man nagsisimula ang opisyal na panahon ng pangangampanya.
Aniya, hindi pa tinuturing na kandidato ang mga ito hangga’t hindi pumapasok ang election period kaya’t hindi rin sila maaaring kasuhan ng premature campaigning.
Mapayapang halalan sa 2013, muling ipinagbilin ni Governor Pineda matapos himukin ang mga barangay officials ng Pampanga na magtulungan at magkaisa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan.
Ang hakbang na ito ay naglalayong matanggal na ang Pampanga sa top 15 probinsiya na binabantayan ng Comelec sa darating na halalan.(PIO Pampanga)
No comments:
Post a Comment